Tuesday, January 1, 2013

2012 and 2013


2012, magtatapos na. Ilang oras nalang ang nalalabi upang mabigayang pasasalamat ang mga taong nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko. Maraming masaya o malungkot na mga sandali. May mga nawala ngunit may mga dumating na bagong taong huhubog sa aking pagkatao. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hanggang ngayon ay gumigising pa rin sa akin sa tuwing umaga at patuloy na nagbibigay sa akin ng biyaya. Nagpapasalamat ako dahil walang sawa Siyang nagpapatawad sa akin. Nagpapasalamat ako sa walang kapalit Nyang pagmamahal at muling pagpapapaalala sa akin kung ano ba ang tama ang mali. Salamat sa pamilyang nagtuturo sa akin ng tama at pagdadala sa akin sa mabuting daan at sa pagtulong sa akin upang magkaroon ng maganda kinabukasan. Kahit pasaway ako, minsan sobrang kulit at iresponsable, pinagpapasensyahan pa rin nila ako. Ganun pa man, mahal ko pa rin kayo.

Sa mga kaibigan ko, lalo na yung mga taong matagal ko nang kilala at nakakasama at hanggang ngayon, nandito pa rin hindi umaalis sa buhay ko, salamat sa inyo. Isa kayo sa mga taong humubog sa aking pagkatao. Kayo rin ang tinuturing kong pamilya. kayo rin na nagtuturo sa akin kung paano maging mas matatag upang harapin ang mga problema sa buhay. Alam kong maraming akong kalokohang nagawa, sorry (madalas talaga isip bata ako). Kahit man ganun, tanggap nyo pa rin ako. May mga taong lumilisan ngunit nagbabalik pa rin. may mga taong tuluyan nang lumisan sa aking buhay ngunit may mga nakikilala ako at tuluyan nang nagiging parte ng buhay ko. Hindi ko akalaing may makikilala pa akong katulad nyo. Hindi man ako bukas sa kwento ko sa buhay ngunit naging bukas kayo upang tanggapin kung ano ako. salamat sa paghatid ng kasiyahan at mas malinaw na pagtingin sa aking kinabukasan.

Sa mga taong super duper special sa akin, salamat dahil binigyan mo ng kasiyahan ang buhay ko. May mga panahong nag-aaway away tayo pero, sa ating lahat, okay tayo kung tutuusin. Salamat sa pagtulong sa akin lalo na sa mga LIBRE NYO na kahit minsan di ko malaman kung bukal ba sa loob nyo o pilit lang pero salamat. Sa inyong lagi kong nakakasama kahit hirap tayo sa schedule lalo na yung pinakamaliit sa atin, ang saya saya pa rin natin kahit gabihin tayo. Mahal na mahal ko kayo guys. Salamat kasi kapag magkakasama tayo pakapalan ng mukha sa pagpapalibre, o pagyayaya manuod ng sine, pagyayayang kumain yung iba sa ating kuripot. Salamat sa taong palaging nagbabayad ng pamasahe natin sa jeep kapag may pupuntahan o kaya pauwi na. Sobrang salamat din kasi kapag alam nyong may oras kayo, ihahatid nyo pa ako sa bahay kahit na ayoko pang umalis at gusto ko pa kayong makasama, ganun talaga. Palibahasa ang nanay nung isa sa atin, nakakatakot. Baka sugurin din tayo sa kanya-kanya nating tahanan. Ganun pa man, maraming maraming salamat at hanggang ngayon, mas nakikilala natin ang isa't isa at mas napapamahal na tayo sa isa't isa. Kahit kayo lang talaga kasama ko, okay na. Sulit yung araw grabe lalo na kapag kasama yung pinakamaliit sa atin. Grabeeee. kakaibang araw.

Sa lahat ng mga taong naging parte ng 2012 ko, maraming maraming salamat sa inyo. Sana hanggang sa kakayanin ay dumating ang araw na mas makikilala natin ang isa't isa. Salamat sa pagdadala ng kasiyahan sa buhay ko. Wala man dito ang lahat ng taong gusto kong isama at pasalamatan ngunit wala at di ko na naisama, salamat pa rin. lahat kayo ay nagbigay ng magandang "outlook" ko sa buhay. Sana ay pagpalain kayo ng Diyos gaya ng pagpapala Niya sa akin. Salamat. Mahal ko kayo. Happy New Year guys! Sana ay magkaroon tayo ng magandang simula sa 2013. :) >:D< ♥
Post a Comment