Thursday, February 28, 2013

Negative

You wake up in the morning feeling alright and then suddenly, school crazy butts strikes again and ruins your day. Just when you try your best to really feel better, enemy strikes down and hard...


To the readers: Sorry for writing in my native language, Filipino. I will be stating some thoughts and feelings I really can't keep up with.



To the close friends: I'm really sorry 'cause you try your best to make me laugh but I couldn't. I'm just so hurt a lot due to critical circumstances.



To the two people who traveled from Manila to CEU-Makati: I know you two got pissed, and I really feel bad about it. I also know that you waited for long hours just to see us and got nothing from us both due to frustration and disappointment. I'm really sorry.



------------------------------------------------------------------------------



Minsan talaga umiiyak nalang ako bigla dahil sa mga feelings at iba pang maliliit na bagay na gusto ko pero di ko makuha. Minsan umiiyak nalang ako dahil hindi ako ang tipong outspoken na tao pero sinusubukan kong maging bukas lalo na sa mga kaibigan ko. Minsan nakakaramdam ako ng sakit dahil sa hindi ko malamang rason o sa wala akong magawa para maayos ang ilang mga bagay. Ang hirap maging AKO. Lalo na sa kakaibang sitwasyon at katayuan ng buhay na mayroon ako bilang miyembro ng isang magulong pamilya. Walang perpekto sa mundo, wala. Ngunit kadalasan ay sobrang nakaka-insecure dahil sa hindi malamang bagay.



Ngayon, ngayon ko naramdaman yung sinasabi ng iba na, "Mahirap magmahal...". Minsan dinudugtungan ng iba; Mahirap magmahal, lalo pa't ang taong mahal mo ay may mahal nang iba; Mahirap magmahal dahil hindi ko malaman kung sino ang pipiliin ko; at iba pa. Pero para sa akin, Mahirap magmahal lalo na at nakikita ko na nahihirapan na yung taong mahal ko at alam kong kahit nasasaktan na siya, hindi ko maiwasan sa sarili ko na makagawa ng hindi tama. Odiba? Sobrang weirdo ko. Minsan ang hirap mag-explain. Ang sakit sa loob na gustung-gusto mong magsalita tungkol sa nararamdaman mo pero hindi ka makahanap ng tiyempo o buwelo para gawin ito.



Ang hirap magtiwala sa tao. Isang bagay na natutunan ko nung bata pa lamang ako. Hindi ko magawang pagkatiwalaan ang maski sino man. Kung mangyayari man iyon, hindi buong tiwala. Simple lang, ayokong masaktan, ayokong maloko ng kaibigan. Pero hindi naman maiiwasan yung diba? O kayang iwasan? Siguro kailangan mo munang gumawa ng kababalaghan bago kita buong pagkatiwalaan.



Masakit ako magsalita. Mapanakit lalo na kapag sobrang inis na ako. Hindi ko pinapansin ang mga tao sa paligid ko. Normal yun diba? Bilang isang tao, mulat tayo sa mga kaganapang iyon. At bilang ako, mulat ako sa kaisipang ganoon.



Hindi ako madaling maintindihan. Magulo akong tao kung babasahin. Hindi ako ang tipo nang tao na magk-kwento sa iyo araw araw tungkol sa mga kaganapan sa aking tahanan, kung mayroon man, putol na ito at bawas na ang istorya. Hindi ako isang taong madaling pa-ibigin. Hindi ako madaling suyuin. Kapag tahimik ako, hinihintay lang ako ng mga kaibigan kong magsalita, magkwento dahil sa alam nila na kailangan ko munang pahupain ang mga nararamdaman at naiisip ko. Hindi ako mapanuyo, maldita ako, at masamang magalit. Ngunit madali akong makalimot, bakit? Dahil simula nang magka-isip ako, ipinangako ko sa sarili ko na bubuo ako ng masasayang ala-ala at buburahin ko sa isipan ko ang mga hindi kaaya-aya. 



Wala na akong masabi... Kung tutuusin, nauubusan na ako ng salita para rito...
Post a Comment