Tuesday, August 13, 2013

Foreigner from the Jeepney

WRITTEN IN TAGALOG. MAS NAKAKA-TOUCH PAG TAGALOG!

Kanina na jeep pauwi ako from the supermarket in Ayala, so ang jeepney as usual is punuan. May isang foreigner, sumabit nalang siya sa jeep (infairness hindi siya nagrereklamo). So ayun, naka-earphones ako, may sariling mundo, then suddenly yung mga katabi ko may tinitignan dun sa dulo. I didn't mind them. I kept listening. Then nung tinanggal ko earphones ko, narinig ko yung foreigner speaking about something. Parang may tinatanong siya dun sa isang citizen and asked the rest of us. So ako, I wasn't really able to hear him say what he was trying to say, of all the noises, car engines, etc. He kept talking and I kept listening kahit wala akong masyadong maintindihan. Then I heard a few words, although putul-putol siya, ang naintindihan ko is he got help from a friend, I think may binebenta ata siya na hard rive (not sure guys!), may family siya pero wala siyang contact sa family niya. So ittry niya na puntahan niya yung tita nya around Ayala where she is working, nagbabaka-sakali siyang makita niya. He looked down but still hoping and I felt a sudden pity on him. Naawa ako kasi wala siyang kakilala, wala siyang contact, he doesn't have a lot of money para makagawa ng paraan para ma-contact family niya. I thought, saan kaya siya natutulog? Parang gusto ko siyang samahan sa pupuntahan niya just to help him out pero nag-doubt ako na baka bogus. But still, naawa ako. He's not even speaking in our native language. It's amazing how he understands other people.

I was hoping na sana eh, sana nasa office pa yung tita niya. I mean, it was actually late for him to go kasi anong oras na, around 4 -5 pm na ata nun. But when he left, nag-jaywalk pa nga siya kasi siguro nga super desperado na siya and he has no time for games and all that. SO when he left, nag-pray ako para sa kanya na sana mahanap niya family nya, sana kung ano man yung hinahanap niya, mahanap niya. Sana nga may enough siyang cash para sa paghahanap niya and his daily needs.


Ayan lang. I didn't have to state that in English. I just have to tell. This foreigner, mag-ingat nalang siya sa mga pupuntahan niya. And may God guide him. :)


Soo, later guys! I have to study for a short semi-difficult quiz tomorrow since I'm no good at memorizing Domestic areas!!!
Post a Comment